Ano ito aking nararamdaman?
Sa aking isip ikaw ang laging laman
Akala ko hindi ko madadarama
Ang kalungkutan na sa akin tumama
Sa bawat gabing ako dumarating
Tanging larawan mo aking nakakapiling
Dahil ako ay nasa malayo
Upang magtrabaho sa ibang ibayo
Hiling ngayong paskoý kayo ay makasama
Kahit sandaling araw at panahon sana
Lungkot na nadarama ko
Mapapawi sa isang yakap mo
Ngunit alam kong hindi mangyayari
Ngayon pasko hindi ako makakauwi
Mga naiwang larawan na lamang aking kasama
Sa bawat gabi ay sapat na.
0 comments:
Post a Comment