Pages

Laruang Handog

Laruang Handog

Bata, bata tunay ngang napakaganda
Ng iyong mga laruan at manika
Sana mabigyan ko din ang aking anak
Tiyak siya ay matutuwa at magagalak

Tila napakasaya mong tignan
Sa mga laruang iyong tangan
Ngunit bakit biglang tinatapon
Pag-sawa na sa laruang iyon

Bata, bata huwag mong ihagis
Iyong mga laruan kung ito’y sira’t madungis
Hindi lahat ng bata ay may laruan
Iyo lamang tinatapon kung saan saan

Maaari ko naman itong ayusin at linisin
At ibibigay sa mga bata sa amin
Tiyak sila ay lubos na matutuwa
Sa mga handog na bigay sa kanila

Kahit luma ay aming tatanggapin
Para sa amin ito’y bago pa din
Iyong paboritong laruan aming aalagaan
At aming ituturing na tunay na kaibigan

Ang tulang ito ay para sa taunang patimpalak para sa Saranggola Blog Awards.

1 comment:

  1. magandang araw!

    Pakiemail ako ulit sa bernardumali@gmail.com para sa applikasyon at detalye ng iyong entry.

    ReplyDelete